500 bisita, limit ng Pasay court sa bday ni GMA

NILIMITAHAN ng korte si dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng hanggang 500 bisita lamang para sa kanyang ikakasang birthday celebration bukas na gaganapin sa covered court ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Kanina ay muling ipinaalala ni Pasay Regional Trial Court Branch 112 Judge Jesus Mupas na bukod sa 500 bisita, dapat ay isagawa ang party ng hanggang alas-5:00 ng hapon lamang.

Dapat ay noong Abril 12 pa isasagawa ni GMA ang selebrasyon ng kanyang ika-65 karawan ngunit ipinagpaliban dahil sa nagkasakit ang dating presidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply