6.2 magnitude quake sa Papua New Guinea sinundan ng malakas na aftershock

NASUNDAN pa ng isang malakas na aftershock ang 6.2-magnitude na lindol na umuga sa Papua New Guinea, kaninang madaling araw.

Ayon sa US Geological Survey, naitala kaninang alas-8:57 ng umaga (Abril 7), oras sa Pilipinas, ang aftershock na magnitude 4.4 na lindol.

May lalim itong 113 kilometers at nasa layong 888 kilometers sa timog-silangan ng Port Moresby.

Una rito, nagdulot ng panic sa mga residente ang naitalang 6.2-magnitude na lindol pasado alas-12:00 ng madaling araw.

Habang isinusulat ang balitang ito, ay wala pang naiulat na nasaktan o napinsala sa malakas na pagyanig.

Maalala na noong nakaraang buwan lmang ay niyanig din ng malakas na 6.7-magnitude na lindol ang rehiyon na ang lokasyon ay nasa tinatawag na “Ring of Fire.”

Noong taong 1998, sinalanta naman ng giant tsunami ang bayan ng Aitape kasunod ng undersea earthquake at mahigit 2,000 katao ang namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply