6-4 = Normal Blood Pressure

High Blood Pressure o Hypertension ang ikinamamatay ng 7.1 milyong tao sa buong mundo. Gusto mo bang mapabilang sa estatiskang ito? Kung hindi, suriing mabuti ang inyong mga kinakain.

Ayon sa mga pag-aaral, ang Western style dietary habits ang numero unong dahilan ng hypertension. Alam n’yo bang mababa o halos walang kaso ng hypertension sa rural areas na gaya ng China, Brazil at malaking bahagi ng Africa kaysa sa mga nakatira sa mauunlad na siyudad sa Amerika, Europa at mauunlad na bansa. Ibig sabihin nito, direktang may kinalaman ang pagkain sa pagkakaroon ng hypertension.

May anim (6) na pagkaing dapat palagiang kainin Upang mapanatili ang katamtamang blood pressure. Una na riyan ang mga Isda at Flaxseed Oil, na pinaka-masustansiya dahil sa pagtataglay ng mataas na protina. Ang Omega 3 Fatty Acids na nasa mga isda ay tumutulong sa ating blood vessels upang hindi mamaga at magkaroon ng mga gasgas.

Nariyan din ang Celery Juice na subok na sa bisa nitong pampababa ng blood pressure.

Kailangang uminom lamang ng dalawa hanggang tatlong basong may sukat na 8 oz bawat araw sa loob ng isang buwan at garantisadong ligtas ka na sa hypertension.

Mabisa rin ang celery sa rayuma dahil sa taglay nitong apigenin, isang anti-inflammatory agent.

Imbes na ordinaryong mantika, Olive Oil ang gamitin sa pagluluto at sa paggawa ng salad. Malaki ang naitutulong nito sa systolic at diastolic blood pressure gayundin sa blood lipids.

Ugaliin naman na sa paggising sa umaga, habang wala pang laman ang ating mga tiyan, uminom ng 8 ounces na maligamgam na tubig na hinaluan ng isang kutsarang Apple Cider Vinegar at isang kutsaritang pulot (honey). Ang suka ay may alkaline at ang honey naman ay nakatutulong sa pagkakaroon ng regular na pagdumi. Isa rin kasing nagpapataas ng ating blood pressure ang constipation.

At ang ika-anim na rekomendadong pagkain ay ang Cucumber. Isa itong natural diuretic na nagpapababa ng pressure sa arteries. Kumain lamang ng dalawang sariwang pipino kada araw sa loob ng dalawang Linggo.

Apat (4) na pagkaing dapat pakaiwasan.

Unang-una na riyan ang Salt o Sodium na nagdadala ng mga sakit sa puso, hypertension at osteoporosis. Sa mga bagong pag-aaral, napag-alaman na naghahatid din ito ng cancer sa stomach, esophagus at gall bladder.

Gumamit na lamang ng fennel, bawang, luya, oregano, paminta, basil at tarragon o suka bilang pampalasa. Ang mga ito ay napatunayan nang maganda sa pagmimintina ng magandang blood pressure.

Masama rin ang Caffeine dahil napapataas nito ang ating blood pressure. Pinapasikip nito ang mga blood vessels na dinadaluyan ng dugo kaya hindi gumagana ang adenosine, isang hormone na siya namang nagpapalaki ng ugat na dadaluyan ng dugo.

Pinaparami rin nito ang paglalabas ng cortisol at adrenaline na sanhi ng pagtaas ng blood pressure.

Sa halip na kape, rekomendado ang pag-inom ng Green Tea. Sa isang pagsusuri sa Japan, lumabas na ang mga babae at lalake na umiinom ng marami nito ay lubhang mababa ang tsansang may sakit sa puso o mataas na blood pressure sa buong mundo.

Ikatlong bawal ang Refined Sugar dahil karaniwang nagiging taba lamang ito sa ating katawan na makakasama sa puso at nagdudulot ng cancer. Mataas ang blood pressure ng mga taong overweight.

Bilang pamalit dito, gumamit na lamang ng honey o pulot o kaya ay mga natural na katas ng matatamis na prutas.

Napapataas din ang blood pressure nang dahil sa walang puknat na pag-inom ng Alcohol na nagtataglay ng calories na nagkakapagpataba. Tandaan, kapag mas mataba ang isang tao, mas mataas ang kanyang blood pressure. Nakakasagabal din ang nakalalasing na inuming ito sa mga may iniinom na gamot para mapanatiling normal ang kanilang blood pressure.

Kaya palaging tandaan ang 6 na puwedeng kainin at 4 na dapat iwasan, sa pagkakaroon ng normal na blood pressure.

Ugaliing makinig sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko with Hilda Ong,” ang programang nakaka-touch ng puso, sa DWBL 1242 khz mula Lunes hanggang Biyernes 9:00-10:00AM.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply