6 adik na bus drivers sinuspinde ng LTO

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ng anim na buwan ang anim bus drivers matapos magpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang sorpresang pagbisita sa Araneta bus terminal sa Cubao, Quezon City at sa Cebu bus terminal, iniulat ng awtoridad.

Ayon kay LTO-Law Enforcement Section director Edgar Cabase, agad nilang kinumpiska ang drivers license ng mga guilty na drivers.

Kaugnay nito, tumanggi si Cabase na tukuyin ang mga pangalan ng bus drivers habang isinasagawa ang imbestigasyon.

SA hiwalay na interbyu, ang mga driver na nagpositibo sa Quezon City sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay umamin upang manatiling gising sa kanilang mahabang biyahe.

Sa isinagawang inspection ng LTO-LESS inspection team, nakahuli rin sila ng dalawang kolurum na bus dahil sa kakulangan ng kaukulang permits sa labas ng Metro Manila.

Kinumpiska rin ng naturang grupo ang driver license ng dalawang kolurum na bus drivers.

Pinag-ibayo ng LTO ang kanilang operasyon dahil sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa na mag-uuwian sa kanilang mga probinsya.

Ang Inte-Government Agency na binubuo ng Department of Transportation and Communications, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, LTO, Central Office and National Capital Region,LTO-Lady Enforcers, Metropolitan Manila Development Authority, PNP-National Capital Region Police Office and PNP-Highway Patrol Group na naatasang magbantay sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero ngayong Holy Week.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply