6 beses na lindol sa bansa naitala ngayong umaga

NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang anim na lindol sa bansa simula kaninang umaga, Abril 1.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang unang pagyanig ng magnitude 2.9 na lindol kaninang alas 5:35 ng umaga sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro, na sinundan ng magnitude 2.9 alas-5:43 ng umaga sa San Carlos City Pangasinan; magnitude 3.7 alas-6:36 ng umaga sa Bislig City, Surigao del Sur; magnitude 2.5 alas-8:49 ng umaga sa Calatagan, Batangas; magnitude 3.4 alas-10:37 sa Guiuan, Eastern Samar; at magnitude 4.3 sa Basco Batanes sa layong 66 kilometro ng silangang bahagi ng lugar habang naramdaman din ang intensity IV sa Basco, Batanes.

Sinasabing ang mga pagyanig ay pawang tectonic in origin.

Samantala, wala namang naiulat na casualties ang ahensiya sa nasabing mga pagyanig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply