6-buwan sanggol, nalaglag sa kama patay

ISANG anim na buwang sanggol ang namatay makaraang mahulog sa tinutulugan niyang kama sa Quezon City, kagabi, Abril 13.

Kinilala ang biktima na idineklarang patay sa Sta Teresita hospital na si Jasmin de Vera, ng 12-A Mauban St. Brgy. Manresa, nasabing lungsod.

Sa ulat ng Quezon City Police District station 1 Laloma, naganap ang insidente 8:45 kagabi sa loob ng bahay ng sanggol sa 12-A Mauban Street, Brgy. Manresa, nasabing lungsod.

Sa ulat, lumabas ng bahay si Rolando de Vera, ama ng biktima para bumili ng diaper at iniwan ang huli, katabi ang natutulog na ina ng bata.

Pero pagbalik ni de Vera ay nadatnan na lang niya ang sanggol na nasa sahig at wala nang malay.

Pagkabagok ng ulo ang sinasabing dahilan sa agad na pagkamatay ng sanggol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply