6 miyembro ng Dominguez carjack gang tiklo

ANIM pang miyembro ng kilabot na Dominguez carjacking gang ang naaresto ng pulisya sa serye ng mga operasyon sa Norzagaray town sa Bulacan at Caloocan City.

Lima sa mga suspek ang nasa kamay ng Quezon City police operatives habang ang pang-anim naman ay hawak ng Caloocan City Police.

Nasa kustodiya ngayon ng Quezon City police sina Salvador Tamuso, Rolando Francisco, Leo Mianon, Louie Clavo at Randy Miano.

Ang pang-anim na si Alexander Manalastas ay nasa Caloocan City police custody.

Ayon kay Quezon City police head Chief Superintendent Mario dela Vega, ang unang nadakip ay si Manalastas at ito ang tumulong sa pulisya para mahanap ang iba pa niyang kasamahan.

Sinabi rin ng pulisya na ang naturang gang, na nakilalang notoryus nitong nakaraang taon dahil sa pagpatay sa may-ari ng mga sasakyan na kanilang binibiktima ay nagkasa na ng bagong modus operandi.

Ang bagong modus operandi ng naturag gang ay mag-aaplay sa isang mayamang pamilya bilang tsuper at pagkatapos ay tatangayin na ang minamanehong sasakyan ng mga amo.

Ang Dominguez group ay pinangungunahan ng magkapatid na sina Raymond at Roger Dominguez.

Iniugnay ng pulisya ang naturang gang sa ilang carjacking incidents sa Central Luzon.

Sangkot din ang magkapatid sa pagpatay kay car dealer Venson Evangelista nitong nakaraang taon lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply