6 NPA utas sa Mountain province clash

NALAGAS sa 45-minutong palitan ng putok ang anim na miyembro ng New People’s Army nang makabakbakan ang tropa ng pamahalaan, Sabado ng hapon sa ulat ng Philippine Army (PA).

Ani Philippine Army spokesman Maj. Harold Cabunoc, ang engkuwentro ay naganap sa Banawel village sa Natonin town sa Mountain Province.

“Ayon sa isang residente, nakita niya dala ng mga bandido ang anim na patay at mga sugatan na kasamahan… naghahanap sila ng malibingan,” pahayag nito.

Kinukumpirma pa kung may katotohanan na ang isa sa kaswalidad ay ang 48-year-old Amazon fighter mula sa Kalinga.

sa impormasyog nakarating pa kay Cabunoc, tumagal ang bakbakan ng 45 minuto at pagkatapos ay tumakas na ang mga rebelde.

Ikinasa na rin ang hot-pursuit operations laban sa mga suspek.

Narekober sa lugar ng M-16 rifle, 2 rifle grenades, M-203 ammunition, “subversive” documents, 1 rifle scope, at binoculars.

Ayon pa kay Cabunoc, ang engkuwentro ay sangkot ang may “15 hanggang  20” rebelde laban sa isang platoon ng may 30 sundalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply