6 katao sugatan sa pamamaril sa Makati

LIGTAS na ngayon ang anim katao na nasugatan sa naganap na pamamaril sa JP Rizal, Barangay Comembo, Makati City kaninang madaling araw.

Kinilala ng Makati police ang mga biktima na sina Charlyn Santillan 23; Mike Ramos, 11; April An Ramos, 18; Rafael Padilla, 13; Mark Cristopher Primo, 14; at  John Carlo Diego, karamihan ay timaan ng bala mula sa .9mm na baril sa binti at paa.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Alejandro Devalid, sangkot sa krimen ang apat na mga armadong suspek na sakay ng isang tricycle na hindi naplakahan dakong 12:30 ng hatinggabi sa nasabing lugar.

Ayon sa mga biktima, posibleng napagtripan lamang sila ng mga kalalakihan na kapwa umano nakainom.

Isang alyas Atong, ang nakilala sa mga suspek na umano’y mahilig mangursunada, pero liban dito, ayaw nang magsalita ng mga biktima dahil sa pangamba na balikan sila ng grupong ito na diumano’y may bitbit pang granada sa kanilang pananakot.

Nakauwi na rin ang ilan sa biktima matapos malapatan ng lunas sa Ospital ng Makati.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply