6-wheeler truck tumagilid sa Edsa

MAKARAAN ang ilang oras na pagkakahambalang ng isang 6-wheeler truck, mabilis na umaksyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maitabi sa emergency loading bay sa south bound lane ng Edsa-Timog kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Ayon kay Jude Trinidad ng MMDA, tinatayang nasa 300 kaban na sako ng bigas ang karga ng truck na bahagyang kumalat sa kalsada.

Sa inisyal na ulat, natanggal ang lock ng ream ng truck na minamaneho ni Roberto Carreon na naging dahilan kaya tumagilid ito.

Dahil sa pangyayari, nagkabuhol-buhol at sumikip ang daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Gayunman, wala namang naitalang nasaktan sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply