6/55 Grand Lotto jackpot, zero winner pa rin

WALA pa ring nakasungkit sa 6/55 Grand Lotto jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tumaas na sa P93,978,640.80.

Kung matatandaan, isang taga-Olongapo ang nakapag-uwi ng pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Philippine lottery na umabot sa P741,176,323.20.

Ang 6/55 Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

May nanalo naman sa 6/45 Megalotto draw na may number combination na 07-09-03-11-31-17, mag-uuwi sa jackpot prize na P23,709,788.20.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply