7-anyos nabaril sa ulo ng 12-anyos na kalaro, dedo

PATAYang isang 7-anyos na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril sa ulo ng kanyang ng 12-anyos na kalaro sa lalawigan ng Palawan, iniulat ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente nitong nakalipas na linggo sa loob ng bahay ng 12-anyos na suspek sa  Barangay Maruyog-Ruyog, Linapacan, Palawan.

Base sa impormasyong ibinahagi ni P/Sr Inspector Raul Regala, hepe ng Linapacan PNP, walang kasama ang dalawang mga bata sa bahay nang mangyari ang aksidente habang naglalaro ang mga ito ng cop and robber gamit ang mga tunay na baril (38 revolver) ng ama ng batang suspek.

Aksidenteng nabaril sa ulo ng 12-anyos ang 7-anyos na naging sanhi ng kamatayan nito.

Nagawang pang maitakbo sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima, subalit makalipas ang isang oras ay binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon ikinulong na sa Linapacan PNP ang may-ari ng baril o ama ng 12-anyos na bata, kasabay ng pagsasampa ng mga awtoridad sa kanya ng kasong illegal position of firearms.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply