7-anyos nalunod sa La Union, patay

NASAWI ang isang 7-anyos na bata makaraang malunod sa Busilak River sa Barangay Paratong sa bayan ng Bangar, La Union.

Ayon sa ulat, kasama umano ng biktimang kinilala na si BJ Collado ang kaniyang tiyahin sa isang balsa na gawa sa kahoy upang tumawid sa nasabing ilog.

Nang makarating umano ang mga ito sa gilid ng Busilak River, iniwan umano saglit ng tiyahin ang bata at pagbalik nito ay nawawala na ang kaniyang pamangkin.

Wala ng buhay ng makita ng mga tumulong na residente ang bata.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply