7 delegado bitbit ni PNoy papuntang Cambodia

MALIIT na delegasyon lamang ang bitbit ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pag-alis papuntang Cambodia upang daluhan ang 20th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, 7 miyembro ng gabinete lamang ang kasama ng Punong Ehekutibo sa kanyang official trip na ito.

Kabilang sa 7 cabinet members ay sina Albert del Rosario, (Foreign Affairs Secretary Cesar Purisima (Finance Secretary), Gregory Domingo (Trade Secretary), Corazon Soliman (Social Welfare Secretary), Lualhati Antonino (Mindanao Development Authority chair), presidential spokesman Edwin Lacierda at Manuel Roxas II (Transportation Secretary).

Nauna rito, sinabi ng Department of Foreign Affairs na gagamitin ni Pangulong Aquino ang pagkakataon upang talakayin ang usapin ng Spratlys, climate change at migrant workers’ and seafarers’ protection sa ASEAN summit.

” On April 3, Aquino will join other ASEAN leaders in meeting the ASEAN Inter-Parliamentary (AIPA) Representatives, the Civil Society Organizations (CSO) Representatives, and the Youth Representatives.  The ASEAN Leaders will also have a royal audience with Cambodian King Norodom Sihamoni.”

Habang nasa Cambodia, nakatakda namang makipagpulong si Pangulong Aquino sa Filipino community doon bago bumalik ng Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply