7 sugatan sa salpukan ng 2 traysikel

PITO katao ang nasugatan sa naganap na banggaan ng dalawang traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Nagrebcan, bayan ng Bauang, La Union kahapon (Abril 18).

Ayon sa ulat, humampas umano ang traysikel na minamaneho ni Joel Balanza, 33, residente ng Brgy. Pilar sa isa pang traysikel na dala-dala naman ni Wilson Nerida, 28, residente ng Brgy. Paringao sa nasabing bayan.

Sa ulat, nabatid na biglang lumiko sa kalsada ang traysikel ni Nerida kasunod ang pagbangga sa rumragasang traysikel ni Balanza na lulang anim na pasahero.

Agad na itinakbo sa iba’t ibang pagamutan ang nasugatan kabilang ang drayber na si Balanza, habang hindi man lang nagalusan sa aksidente si Nerida.

Patuloy ang imbestigasyon para mabatid kung sino ang dapat managot sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply