76-anyos na lolo pisak sa trak sa Pangasinan

PISAK ang 76-anyos na lolo nang magulungan ng trak habang nagbibisikleta sa Urdaneta, Pangasinan, Martes Abril 3, iniulat ng pulisya ngayong araw.

Sa ulat, nakahimpil sa gilid ng kalsada sa Brgy. Cabaruan ang biktimang si Valerio Pico, habang sakay ng kanyang bike nang mahagip ng trak na minamaneho ni Joplin Macabitas.

Nang matumba ang biktima ay nagulungan pa ito ng trak dahilan para magkalasog-lasog ang katawan nito.

Nakakulong na ang suspek na napag-alamang walang lisensya nang maganap ang krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply