78 Taiwanese na ‘miyembro ng sindikato’ timbog sa Davao

ARESTADO ang 78 Taiwanese national na pinaghihinalang miyembro ng sindikato sa halos sabay-sabay na raid na ikinasa sa Davao City kahapon (Abril 18).

Ni-raid ng mga awtoridad ang tatlong bahay na ginagamit umano ng international syndicate para mag-operate ng mistulang call center upang makapambiktima ng mga kapwa Taiwanese.

Ang mga ni-raid ay ang Villa Josefina sa Talomo; Velasco Subdivision ng Matina Pangi, at Ladislawa Village sa Buhangin.

Ayon sa ulat, trabaho ng 78 Taiwanese ang magbantay sa mga computer, laptop at cellphone na siyang ginagamit ng grupo upang mambiktima.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang internet routers, laptop at iba pang kagamitan na ginagamit sa iligal na operasyon.

Nabatid na dalawang buwang minatyagan ang grupo bago nireyd.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply