79 SC employee sa Baguio nandaya sa DTR

TINATAYANG 79 na empleado ng Korte Suprema kabilang na ang mga hukom ng Regional Trial Court (RTC), Municipal Trial Court (MTC) at Clerk of Court sa Baguio City ang sumasailalim sa imbestigasyon bunsod sa umano’y pandaraya sa kanilang daily time record (DTR).

Nabatid na nagsumbong kay Court Administrator Jose Midas Marquez ang ilang empleyado habang isinasagawa ang summer session ng Supreme Court (SC) sa lungsod na nagsimula noong isang linggo.

Dahil dito, bumuo ng investigating panel upang tingnan ang alegasyon at suriin ang mga ebidensya at video footage na isinumite ng concerned court employees.

Base sa sumbong, karaniwan nang ginagawa ng ilan sa mga empleyado at hukom na pumasok nang late at umalis nang maaga kasabay ng pandudoktor sa kanilang daily time record at pamemeke ng pirma rito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply