8 Chinese vessels namataan sa West Phil. Sea

NAMATAAN ng Philippine Navy sa West Philippine Sea ang walong Chinese vessel partikular sa bahagi ng Panatag o Scarborough Shoal.

Nabatid sa Department of Foreign Affairs (DFA) na naglalaman umano ang mga vessel nang malaking bilang ng corals, giant clams at mga buhay na pating na itinago sa compartment.

Sa kabila nito, bigo ang mga awtoridad na maaresto ang mga ilegal na mangingisda matapos harangin ng dalawang Chinese maritime surveillance ships ang BRP Gregorio del Pilar ng Pilipinas.

Giit ng DFA, sakop ng Pilipinas ang Scarborough Shoal kaya may surveillance aircraft ng Philippine Navy para protektahan ang soberenya ng bansa base na rin sa isinasaad ng Philippine Fisheries Code and Marine Environment Priotection Laws.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply