8 Koreano na sangkot sa dog fighting hawak na ng BI

HAWAK na ngayon ng Bureau of Immigration ang walong Koreano na unang naaresto ng pulisya San Pablo City at Calauan, Laguna na naaktuhang sangkot sa iligal na gawain na dog fighting.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., ipinalipat niya sa BI Jail sa Bicutan, Taguig ang walong dayuhan matapos na sila ay makasuhan ng paglabag sa immigration law sa San Pablo.

Nabatid rin kay David na ang walong Koreano ay una nang nahuli ng pulisya sa illegal dog fight operation sa Indang, Cavite noong December 3, 2011.

Kinilala ang mga respondent na sina Lee Gwi Woo, 21; Jeong Yeon Hwal, 31; Noh Min Chul, 44; Lee Kyung Won, 31; Kim Young Hwan, 29; Hyun Ho Han, 45; Hong Jeong Oh, 43; at Kim Do Kyung, 41.

Sinabi ng komisyuner na hindi makalalaya ang walo hangga’t hindi nahahatulan ng korte ang kaso laban sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply