82-anyos na lola utas sa alagang kambing

PATAY ang 82-anyos na lola matapos aksidenteng mabigti ng tali ng isang kambing sa Ilocos Sur sa ulat ng pulisya kagabi.

Sa report na nakarating sa Camp Crame , nakitang wala nang buhay ang biktima na kinilalang si Emerita Guzman, ng Sitio Bigbiga, San Esteban, Ilocos Sur.

Nakita ang bangkay ng lola na napuluputan ng tali ang leeg at mga paa mula sa tali ng kambing na kanyang alaga.

Sa pagsisiyasat, lumalabas na maaaring nagulat ang kambing sa paglapit ng biktima upang kalagin ang pagkaka-suga nito kaya nang umalpas ay pumulupot ang lubid sa lola.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply