9 police trainees na-heatstroke

MAY siyam police trainees na sumailalim sa 45-day Special Counter-Insurgency Operations Unit Training sa Negros Oriental ang nakaranas ng heatstroke at sintomas ng dehydration.

Nabatid na galing sa daily jogging routine ang mga biktima, alas-4:30 hanggang alas-5:30 ng hapon nang makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka kaya agad silang isinugod sa pagamutan.

Napag-alaman na maliban sa matinding init ng sikat ng araw na nagpababa sa resistensya ng hindi pinangalanang mga nagsasanay na pulis ay ang kakulangan nila ng tubig sa katawan.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply