9 ‘Salisi Gang,’ dakip sa NAIA

ARESTADO ang siyam miyembro ng Salisi Gang na kinabibilangan ng tatlong babae at anim na lalaki saNinoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa ulat ng awtoridad kanina.

Nadakip ang mga salarin makaraang biktimahin ang Korean nationals na sina Kim Sung Hee sa at Soon Koo Lee sa NAIA Terminal 1 at 2.

Ani Lee, isa sa mga suspek ang lumapit sa kanya na kaagad ikinawala ng kanyang bag na may lamang pera at mahahalagang gamit, katulad din ng naranasan ni Hee.

Nakilala naman ang mga suspek nang nakuhanan ng larawan habang nagpi-picture taking si Hee.

Sa presinto, inamin ng isa mga suspek na hindi lamang sila sa NAIA nambibiktima kundi maging sa ibang airports at mall.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply