9 sugatan sa kilos protesta sa QC Hall

SIYAM ang nasugatan kabilang ang tatlong pulisya makaraang sumugod ang may 300 raliyista sa QC City Hall mula sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) na tumututol sa bantang demolition sa kanilang mga bahay sa Agham Road at BIR Rd, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang nasugatan na si chief Inspector Ritchie Claravall hepe ng Quezon City Hall Detachment at Inspector Melchor Oca at isang hindi pa nakikilalang Pulis.

Sugatan naman sa hanay ng mga raliyista na kinilala na sina Salvacion Berza, Jonalyn Adiao, Myrna Dalidada, Myrna Cordon, Joaquin Celes at Ramil Fricas.

Ayon sa ulat, dakong 10:00 ng umaga kanina nang maganap ang tulakan, gitgitan at balyahan sa harap ng Quezon City Hall, Diliman makaraang sumugod ang mga raliyista na miyembro ng Kadamay.

Mariing tinututulan ng mga raliyista ang nagbabantang demolisyon sa kanilang mga kabahayan sa Sitio San Roque, Brgy. Pagasa sa Agham Road at BIR Road, Diliman, QC.

Sinabi ni Val Demayuga Public Information Officer (PIO) ng Kadamay na mariing tinututulan ng kanilang hanay ang nakatakdang demolition sa kanilang mga kabahayan para bigyang daan ang Quezon City Central Business Development Ordinance na labis na maaapektuhan ang may 24, 000 pamilya sa lungsod.

Binatikos din ng Kadamay si QC Mayor Herbert Bautista dahil sa pagpapahintulot sa naturang proyekto na QCCBD.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply