Abalos inabandona na ng sariling abogado

BUMITIW na si Atty. Brigido Dulay bilang abogado ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa kasong electoral sabotage nito sa Pasay City RTC.

Ani Dulay, boluntaryo siyang nagbitiw bilang abogado ni Abalos para hindi mapag-initan ni Pasay RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas, matapos ang naging desisyon ng CA na ibasura ang contempt na ipinataw ni Mupas laban sa kanya.

Nagkainitan sina Dulay at Mupas nang ipangarali ng kampo ni Abalos na may mga emisaryo mula sa kampo ni Mupas ang humihingi sa kanya ng malaking halaga kapalit ng paborableng desisyon, bagay na itinanggi ng huwes.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply