Actress Cristine Reyes ipinasu-subpoena na

IPINASU-SUBPOENA na ng Quezon City Fiscal’s Office (QCFO) ang aktres na si Cristine Reyes hinggil sa kasong isinampa ng kapatid niyang si Ara Mina.

“Naisampa na [ang kaso] sa fiscal’s office, at inaasahan namin na sa darating na linggo ay madadalhan na ng subpoena si Cristine para siya ay pumunta sa fiscal’s office at doon magpaliwanag,” pahayag ni Atty. Enrique dela Cruz, abogado ni Mina.”

Kapag na-summoned na si Reyes sa fiscal’s office, maaari siyang magsampa ng counter-affidavit at kapag ang kaso ay mayroong probable cause, iaakyat ito sa korte.

“Magkakaroon siya (Reyes) ng pagkakataon na magbigay ng counter-affidavit, and then kung mapatutunayan ng piskal na may basehan ang reklamo, ito’y isasampa sa korte,” dagdag ni Dela Cruz.

Matatandaang, pumunta si Mina sa Quezon City fiscals office nitong nakaraang Huwebes upang kasuhan si Reyes ng libelo at grave coercion.

“Masyado na akong nasaktan at naalipusta na ang akiong buong pagkatao at kaya ko ito gagawin ay upang turuan ng leksyon ang kapatid kong si Cristine”, pahayag ni Mina.

Nag-ugat ang away ng magkapatid dahil sa hindi pagbayad ng utang ni Mina na P1.8 milyon kay Cristine na mula sa pagbili ng sariling bahay para sa kanilang ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply