ADB Summit delegates nagdaratingan na

NAGDARATINGAN na sa bansa ang mga delegado para sa gaganaping 45th Board of Governors Meet ng Asian Development Bank (ADB).

Kaugnay nito, inilatag ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) ang seguridad sa mga delegadong dumadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Naging abala ang pulisya sa pag-alalay sa mga sasakyan ng mga delegado maging ng mga mismong Minister of Finance ng iba’t ibang bansa na maghahatid sa kani-kanilang hotel na tutuluyan.

Samantala, tiniyak naman ni Ma. Consuelo Bungag, Media Affairs Head ng Manila International Airport Authority na kanilang ipatutupad ang mga kinakailangang kortesiya na dapat ibigay sa mga miyembro ng delegasyon upang matiyak ang kanilang seguridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply