Affair nila ni Lovi, ayaw pang i-reveal ni Jake!

SA HULING panayam kay Jake Cuenca ay inamin niya na bumalik na siya sa pakikipag-date after ng split-up nila ni Melissa Ricks.

Misteryosa pa kung sino ‘yun dahil ayaw pa niyang i-reveal. Ayaw raw niya kasing maudlot.

May mga humuhula na baka si Lovi Poe ang babaeng yun.

Nagmarka kasi ang tweet ng bida ng seryeng Kung Ako’y Iiwan Mo tungkol kay “@lovipoe then you are the most beautiful thing I’ve ever seen! :) naaaaakkssssmoooothh!!! :)”

“Basta I’m dating. Right now, I’m single and dating that’s it. I’m not going to say anything about all that (kung sino ang dine-date ko). Basta eligible. Tulad ng sinabi ko, once na ready ako magsalita, sasabihin ko naman e. But for now, nothing’s for sure. Wala pa naman sigurado e. Ayokong udlutin,” deklara niya.

Sige na nga!

-0o0-

PINAGTATALUNAN ngayon kung sino talaga ang dapat na gawaran bilang National Artist gaya nina Gov. Vilma San- tos, Superstar Nora Aunor, Eddie Garcia at ang Comedy King na si  Dolphy.

Pero naniniwala si Senator Jinggoy Estrada na unahin na si Mang Dolphy.

Para kay Jinggoy, nararapat daw na mauna munang parangalan ang Comedy King na si Dolphy.

“Siguro unahin natin si Tito Dolphy because of his age, and because of his health, sana maitanghal siyang National Artist habang siya’y nabubuhay pa,” deklara niya.

Bagamat deserving din naman sina Gov. Vi, Ate Guy at Eddie G, naniniwala kami na nararapat at karapat-dapat na ibigay na ito kay Dolphy.

Tsuk!

-0o0-

SA TWITTER account ni Zsa Zsa Padilla ay labis siyang nagpapasalamat sa campaign na gawing National Artist ang Comedy King na si Dolphy (#DolphyForNationalArtist).

Inamin ni Zsa Zsa sa kanyang Twitter Account na gusto niya talagang igawad sa kanyang partner ang pinakamalaking parangal sa isang Filipino artist.

“This has been our family’s wish for him, too for many years now. But grateful he is still with us,” tweet niya..

-0o0-

SINIMULAN na ang pagre-review ng 4th PMPC Star Awards for Music.

Para sa mga gustong magpa-review ng CD/album, open at free sa lahat ng mga recording company at maging sa mga independent producer na nag-release nu’ng June 1, 2011 hanggang April 31, 2012. Ipadala sa PMPC office Rm. 202 Deta Bldg., 76 Roces Avenue, Q.C.

-0o0-

PINAG-UUSAPAN ang pagpunta ni Cong. Cynthia Villar sa ‘Will Time, Big Time’ kasama ang mga candidates ng Ms. Earth 2012 and Ms. Earth Winners 2011 para mag-promote ng Earth Day Celebration na ginanap nu’ng April 19 sa Las Pinas-Parañaque Critical Habitat and Tourism Area. Ilan sa ginawa nila ay ang Mangrove planting along Las Piñas/ Zapote River, Coastal clean-up, distribution of bangkas to all Las Piñas Barangay & the alliance for stewardship formed by Diocese of Parañaque St. Andrews Cathedral, lecture on Disaster Preparedness by the Las Piñas Red Cross, On the spot painting contest by local artists on nature scenary, prayer for the Earth by Diocese of Parañaque St. Andrews Cathedral of Parañaque.

Anyway, hiningan ni Willie si Cong. Cynthia Villar ng P50,000 sa contestant ng baliktaran na si Lee Ann Sarsoza na taga-Tandag, Surigao del Sur. Samahan ito ng mga teacher kung saan nag lalakbay aral sila rito sa Maynila para sa kanilang cooperative sa probinsya. Nasa 87 silang lahat na nanood ng WTBT.

Tinapatan din ni Cong. Cynthia Villar ang bigay ni Willie na P15,000 para sa pambayad nito sa DOH para magkaron ng lisensya sa pagiging massage therapist) sa tiyahin ni Dudoy (contestant sa Kantanong na ang category ay mga graduate na pasang awa 75% ang average). Kinupkop s’ya ng kanyang tiyahin na bulag at pati asawa nitong bulag nu’ng maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Sobrang saya ang pagpunta ni Cong. Villar sa programa ni Willie dahil meron na namang nabiyayaan.

Bongga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply