AFP alertado na sa North Korea rocket launch

INANUNSYO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaninang umaga na ang naka-alerto na ang kanilang puwersa sa North Korean rocket launch sa susunod na linggo.

Sinabi ni Lt. Gen. Anthony Alcantara, hepe ng North Luzon Command, inatasan na niya ang tropa ng pamahalaan sa lugar sa anomang hindi inaasahang pangyayari sakali mang matuloy ang rocket launch.

Nagpakalat na rin ng mga tauhan ang disaster response teams mula sa AFP sa mga estratiyihang lugar sa iba’t ibang parte ng central and northern Luzon para umagapay sa government agencies kung sakaling may “life-threatening situations,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng protesta na mula sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas, plano pa rin ng North Korea na magpalipad ng missiles para magkasa ng long-range ballistic missile test sa Pyongan province sa pagitan ng Abril 12 hanggnag 16, mula alas 6:00 a.m. hanggang alas 11:00 a.m. (Manila time).

Gayunman, sinabi ng North Korea na plano lamang nilang maglagay ng “weather satellite” sa orbit para sa kanilang  100th birth anniversary ng regime founder na si Kim Il-Sung, na namatay noong 1994.

Nitong nakaraang Lunes lamang, inanunsyo na rin ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Benito Ramos ang no-fly zone mula sa 190 nautical miles northeast ng Cagayan province southward down sa 140 nautical miles east ng Polilio Island—na ang mga debris mula sa rocket ay bumagsak.

Gayunman, maliit lamang ang tsansa na ang missile’s debris ay babagsak sa Philippine soil.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply