Afraid ang mga Noranian: Ate Guy baka makidnap ng Abu Sayyaf

MAHIGPIT dalawang linggong mag-e-stay sa Tawi-Tawi para sa shooting ng Thy Womb si Nora Aunor. 4:30 a.m. kahapon (Biyernes) ay lumarga na raw ang Superstar kasama ang direktor na si Brillante Mendoza papunta sa isa sa mga probinsyang ito ng Mindanao. Naunang umalis sina Ate Guy at Brillante pati na ang staff and crew. Sumunod naman sa kanila ang grupo nina Lovi Poe, Bembol Roco at iba pang kasama sa indie film. Ang shooting ay magtatagal hanggang April 30.

Natatakot naman ang ilang Noranians sa anumang puwedeng mangyari sa kanilang idolo. Baka raw matulad ito kina Evangelist Wilde Almeda ng Jesus Miracle Crusade Ministry at broadcaster Ces Drilon na kinidnap ng Abu Sayyaf Group.

Sana kung kukunin man ng ASG si Bulilit ay magpa-picture-taking lang sila at pagkatapos ay pakawalan agad. Huwag naman nilang itulad sa naunang dinukot nila na inabot ng ilang buwan kaya nung pakawalan sila ay payat na payat na ang mga ito.

Kidding aside, malabo naman daw itong mangyari dahil babantayan ng mga sundalo ang beteranang aktres at ang kanyang grupo ng mga magigiting na sundalo.

***

Luis bihira ng uminit dahil kay Jennylyn

NATUTUWA si Ate Vi dahil nakikita niya sa kanyang binatang si Luis (Manzano) ang pagiging komportable sa buhay ngayon. Maliban sa may mga negosyo ito, meron pang inuuwiang mansion sa Green Meadows, at ang kalooban ay laging payapa dahil kay Jennylyn Mercado. Bihira na raw mag-init ang ulo nito. Lagi kasing masaya at inspired.

Malapit naman sa Star for All Seasons ang singer/actress. Minsan daw ay tumatawag pa ito sa gobernadora para lamang maghatid ng kanyang nilutong cake.

Kaya nga ang inaabangan ngayon ng mga Vilmanians kung ito bang si Luis ay handa nang magbigay ng unang apo sa kanyang mommy. Handa na rin naman si Ate Vi na maging lola. Iyon nga lamang, ayaw niyang pangunahan ang Deal or No Deal host sa mga plano nito sa buhay.

Anyway, magkasunod na mapanonood sa Deal or No Deal ang paglalaro ni Jennylyn na nangyari kagabi, April 14 at next week, April 21 ni Gov. Vi bilang birthday presentation ng programa para sa host na si Luis.

Medyo maswerte lang ang multi-awarded actress dahil 76,000 (na dadagdagan pa ni Luis ng 200,000.00 dahil sa hirit ng kanyang mommy. Ido-donate ang halagang ito para sa libreng edukasyon at pangangalaga ng kalusugan sa mga taga-Batangas) daw ang napalunan nito kumpara sa kanyang mamanugangin na piso lang ang iniuwing premyo.

***

Album launch ni Paula sa mall dinumog

NAGKAROON ng album launch si Paula Bianca sa SM City Fairview, The Atrium kamakailan at dinumog ito ng mga manonood. Sa Simula ay patingin-tingin lang ang mga mall shoppers kung sino ang young, pretty, glam rock gal on stage, ngunit nang kumanta na ito ay napahinto sila at hindi napigilang humanga sa biriterang singer. Lalo na nang kantahin ni Paula ang Sweet Child of Mine ni John Bon Jovi talagang napanganga ang lahat. Maging ang mga awitin nina Beyonce Knowles at Celine Dion ay plakadong kinanta ng recording artist ng Viva.

Her album has total of five tracks, that includes original and revival songs: Problemang Puso, Napapaluha, Napakasakit Naman, Miss Na Miss at Parting Time at lahat ng mga awiting ito ay may katapat na minus one.

Anyway, we heard na may Twitter account si Paula na ginawa raw ng isa sa mga tagahanga niya at ito ang sumasagot minsan sa kanyang mga fans.

Si Paula ay nasa pangangalaga ni Ms. Daisy Romualdez at katuwang si Tito Alfie (Lorenzo) bilang PRO.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply