Aga ‘no show’ sa hearing ng petisyon ng paglilipat niya ng rehistro

NO SHOW kahapon (Abril 16) ang aktor na si Aga Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzales sa unang hearing sa petisyon sa paglilipat nila ng rehistro sa Camarines Sur.

Kahit umapir ang abogado ng showbiz couple, walang maayos na napag-usapan sa hearing kahapon.

Dahil dito, nagbabala si ex-Mayor Gil Pacamarra (ng bayan ng San Jose sa lalawigan ng Camarines Sur) sa mag-asawa na iaakyat niya sa mas mataas na korte ang petisyon kapag hindi sumipot ang couple sa pangalawang pagdinig.

Nabatid na nasa ibang bansa ngayon ang showbiz couple.

Nilinaw naman ni Pacamarra na hindi disqualification ang nais nila para sa aktor bagkus ay kinukwestyon lamang umano nila ang legalidad ng pagiging botante nito gayong hindi pa naman umaabot sa anim na buwan ang pamamalagi nito sa lugar.

Sa katunayan aniya, ikinatutuwa nila na may planong manirahan ng showbiz couple sa kanilang lugar. Ngunit, kung may plano aniya ang mga ito na tumakbo sa 2013 elections ay dapat sumunod ang mga ito sa requirements sa pagiging ligal na botante.

Sa Huwebes (Abril 19), muling magkakaroon ng hearing hinggil sa nasabing petisyon.

Kamakailan lamang, maugong ang balita na may balak si Aga na tumakbo sa 2012 elections sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply