AirPhil itinigil ang biyahe dahil sa bomb joke

NAUDLOT ang biyahe ng Air Philippines makaraan ang bomb joke sa mga pasahero kanina sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang Air Philippines flight 2P 943 ay patungo sanang Puerto Princessa lulan ang 175 pasahero nang panasamantalang itinigil para rekisahin ang mga bagahe ng mga pasahero na nakasakay sa eroplano.

Napilitang pababain ng Philippine National Police Aviation Security Group ang mga pasahero upang siyasatin kung mayroong bomba sa loob ng eroplano

Batay sa ulat, isang grupo ng kabataan na nakasakay sa eroplano ang biglang sumigaw na may bombsa sa loob ng bagahe na naging dahilan para mag-panic ang mga pasahero.

Iniimbestigahan na ang mga kabataan na sangkot sa bomb joke.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply