Alahas, gamit ng call center agent nilimas

HINDI pinalampas ng dalawang holdaper ang paggunita sa araw ng Sabado de Gloria nang holdapin at limasin ang alahas at gamit ng isang call center agent sa Pasay City kaninang madaling araw.

Agad na dumulog sa Pasay City Police Headquarters ang biktimang si Arlene Alcantara, 24, residente ng Carola St., Sampalolc Manila na nagbabakasaling madakip ang dalawang suspek na armado ng patalim.

Sa salaysay ng biktima, naglalakad siya sa F.B. Harrion/Edsa fly over nang salubungin siya ng dalawang suspek at tinutukan ng patalim bago idineklara ang panghoholdap.

Sapilitang kinuha ng mga suspek ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng alahas, ID, health card at ATM card at tumakas patungong F.B. Harrison extension.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply