Alamin: Mabuting dulot ng tap water sa kalusugan

NANAWAGAN ang iba’t ibang grupong dumalo sa 28 public consultations na isinagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office (RO) sa lahat ng lungsod at munisipyo sa Metro Manila at ilang bayan sa Rizal at Cavite na paigtingin pa ang kampanya at adbokasiya nito at ng dalawang konsesyunaryo — ang Manila Water at Maynilad Water Services, upang hikayatin ang publiko na uminom ng tubig mula sa gripo kaysa bumili pa ng mas mahal na de-botelyang tubig.

Bahagi ng mga ginawang public consultation ang pag-uulat ng MWSS RO hinggil sa mahalagang papel ng tanggapan upang siguruhin ang kalidad ng tubig na hinahatid ng mga konsesyunaryo sa halos 15 milyong residente ng Metro Manila at siguruhin na ito ay naaayon at pumapasa sa mahigpit na pamantayan ng Administrative Order No. 2007-0012 ng Department of Health na kilala rin bilang Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW).

Ang MWSS RO ay co-chair ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee (MMDWQMC) na pinangungunahan ng Department of Health.

Kasapi rin dito ang Environment Management Bureau ng DENR, ang National Water Resources Board, ang dalawang kunsesyonaryo ng MWSS at 17 local government units, pati na ang isang kinatawan ng World Health Organization.

Regular na nagsasagawa ng pagsusuri ng tubig ang MMDWQMC mula sa 1,560 water sampling points mula sa pinagkukunan nito patungong treatment plants hanggang sa mga gripo ng kostumer sa iba’t ibang bahagi ng water distribution system.

May 861 samples na palagiang sinusuri sa East Zone ng Manila Water, samantalang 864 samples naman ang kinukuha sa West Zone ng Mayniald Water, para sa kabuuang bilang na 1,725 samples na higit kaysa kinakailangan ng DOH.

Bukod pa sa mga itinakdang sampling points, nangongolekta rin ang MWSS RO ng sample ng tubig mula sa mga kustomer na naglahad ng alinlangan sa kalidad ng kanilang tubig.

Lahat ng samples ay pumasa sa PNSDW na sinuri sa physical, chemical at microbiological tests.  Ibig sabihin nito ay ligtas at maaaring inumin ang tubig.

Ang resulta ng sampling ay buwanang inilalabas sa mga peryodiko at sa internet.

Ilang lokal na opisyal ang nagmungkahi na ibahagi ang impormasyon ukol sa kalidad ng tubig sa mga barangay upang makatulong ang lokal na pamahalaan na maiparating sa kani-kanilang mga nasasakupan na malinis ang tubig at maaaring inumin mula sa gripo.

Nagbigay din na payo ang MWSS RO sa publiko na palaging suriin ang kanilang mga linya ng tubig upang siguruhin na ang mga ito ay walang tagas at walang nakakonektang mga ilegal na koneksiyon na nagiging sanhi ng kontaminasyon.

Sinabi rin ng MWSS RO na regular na linisin ang mga imbakan ng tubig tulad ng mga cisterns at water tanks.

Bukod sa pagiging mas mura ng tubig mula sa mga gripo, ang tap water ay may taglay na mga mineral na mabuti para sa kalusugan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply