Alden Richards inamin na matagal na silang magkakilala ni Sarah Lahbati

INAMIN ni Alden Richards na matagal na silang close noon pa ni Sarah Lahbati dahil magkasabay silang dalawa na sumali sa StarStruck Season 4. Di lang pinalad si Alden na makasama sa top 14 noon. Hanggang top 30 lang ang inabot niya.

Sabi ni Alden, medyo chubby siya noon pero nang mag-apply siyang muli bilang actor sa Artist Center ng GMA7, okay na ang katawan niya kaya tinanggap agad siya bilang lead actor sa soap na Alakdana bilang ka-love team ni Louie delos Reyes.

Suwerte si Alden sa pagpasok niya sa GMA7 dahil napansin agad siya ng mga fans. Isa siya ngayon sa busy young actors ng network na di nawawalan ng projects at kasama nga siya ngayon sa My Beloved bilang second love team ng soap bilang kapartner si Louie. Siyempre, bida sa soap sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tuwing Sunday ay napanonood si Alden sa Party Pilipinas kung saan hindi lang siya kumakanta at sumasayaw kundi naghu-host pa. Bago pumasok sa showbiz si Alden, siya’y second year college sa La Salle Zobel sa Alabang. Huminto muna siya sa pag-aaral para mag-concentrate sa kanyang career.

Balitang sa May 7 na ang alis niya papuntang Los Angeles, California kung saan a-attend sila nina TJ Trinidad at Rhian Ramos para sa premiere night ng The Road sa Hollywood. Sisimulang ipalabas sa America ang nasabing movie sa May 11. Ito ang kauna-unahang local movie na ipalalabas sa buong America at Canada.

000

MALAKING influence sa mga batang babae ngayon ang bida sa Biritera na si Roseanne Magan dahil ginagaya ang pagsusuot niya ng headband sa soap opera. Bumagay nang husto ang headband sa ayos ng buhok at mukha ni Roseanne.

Ginaya tuloy ito ng mga bata sa ngayon at panay ang hingi sa kanilang mother nang pambili ng headband na katulad nung kay Roseanne sa Biritera.

Unang nabatid ito ng director ng soap na si Maryo J. Delos Reyes sa apo ng caretaker niyang si Manang sa resthouse niya sa Pansol, Laguna. Panay raw ang kulit ng batang babae na kasing edad ni Roseanne na bumili sila ng headband na katulad ng gamit ng child star.

Nang pumunta sa palengke si Manang para bumili, aba, nabatid niyang out of stock ang ganoong klaseng headband. Buhat kasi nang isinuot ito ng child actress, marami na’ng mothers ang bumili nito para sa kanilang  mga anak na babae.

Sabi naman ng wardrobe ng Biritera, buhat nang ginamit nila ang headband kay Roseanne na binili pa nila sa Divisoria, aba, mismong ang binilhan nila ang nagsabing talagang lumakas ang benta nito.

Aba! naging trendsetter palang talaga si Roseanne sa mga batang babae. Bukod pa rito, patuloy ang pagiging no. 1 sa primetime nito.

000

IBINALITA ni Kris Laurence na babae ang first baby nila ni Katrina Halili at plano nilang ipangalan dito ay Kristina, hango sa pangalan nilang pareho ni Katrina.

Sa September pa ipapanganak ang baby nilang dalawa pero parehong excited na ang dalawa sa paglabas ng kanilang baby. Nakaaalis raw ng pagod pag nakikita nila ang resulta ng ultrasound kung paano unti-unting lumalaki ang baby.

Sa mga pahayag ni Kris, mahal na mahal daw niya si Katrina at hinding-hindi raw siya magbabago sa pagmamahal dito.

Napanonood si Katrina ngayon sa My Beloved.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply