Alyansang binuo ni Binay minaliit ng LP

MINALIIT lamang ng liderato ng Liberal Party (LP) ang pagsasanib puwersa ng partido nina Vice-President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni House Deputy Speaker Lorenzo “Erin” Tañada III, tagapagsalita ng LP na kahit ang kanilang partido ay maaari rin namang makipag-alyansa sa iba pang partido na may katulad din nila ng agenda at interes.

Ngunit napakaaga pa aniya para pag-usapan ang ukol sa pag-aalyansa at nalalapit na eleksyon.

Binigyang diin ni Tañada na hindi natatakot o nababahala ang LP sa coalition ng PDP-LABAN (Partido ng Masang Pilipino) gayundin ang pagsanib dito ng iba pang senatoriables para sa 2013 mid-term elections kung saan tatawagin umano ang partido na “UNA” o United Alliance.

Naunang inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile ang posibleng pagsasanib ng dalawang partido ngayong 2013 elections at maaaring magtuluy-tuloy ito sa 2016 kung saan inaasaang tatakbo bilang presidente si Binay.

“The LP may form its own coalition with other political parties if the other political parties agree with the agenda of reform as espoused by PNoy. But as of now, discussions on forming a coalition are too early,” ayon pa kay Tañada.

Inihayag pa ni Tañada na abala pa sa ngayon ang LP sa mga miyembro mula sa mga lalawigan at munisipalidad gayundin lalo na sa pagre-recruit sa kanilang mga miyembro.

Ang mga bagong miyembro aniya ay sumasailalim sa mga seminars sa iba’t ibang chapters sa buong bansa kung kaya’t hindi pa aniya napag-uusapan ang tungkol sa pakikipag-coaliton sa ibang partido.

Kabilang sa unang lumutang na pangalan na naka-line-up sa senatoriables ng UNA ay sina Senador Chiz Escudero, Senador Koko Pimentel, Senador Gringo Honasan, House Deputy Minority Leader Mitos Magsaysay, Aurora Rep. Sonny Angara at Cagayan Rep. Jack Enrile.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply