Ama ni Manny Pacquiao naaksidente

NASANGKOT sa isang vehicular accident ang ama ni People’s Champ Manny Paquiao sa General Santos City, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa report, sinasabing kinumpirma ni Pedro Pacquiao, drayber ni Rosalio Pacquiao, ama ni Sarangani Representative Pacquiao na nakabangga siya ng traysikad sa area ng Barangay San Isidro, General Santos City.

Ayon sa drayber, sakay nito ang ama ng Pinoy Boxing Superstar at pauwi na sana mula sa mansion ng boksingero.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Pacman na binugbog pa nila nito ang drayber ng traysikad.

Ayon sa kampo ni Pacquiao, nabigla pa si Mang Rosalio sa nangyari kaya agad na pinayapa ang mga kasamahan.

Nangako rin ang kampo ng mga Pacquiao na sasagutin ang pagpapaayos ng traysikad at ang medikasyon ng nasabing drayber.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply