Amb. Jesus Yabes, bagong DFA Usec

OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Ambassador Jesus Yabes bilang bagong officer in charge ng migrant workers affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, magiging epektibo ang pagtalaga kay Yabes sa Hulyo 30, 2012 bilang kapalit ni Undersecretary Esteban Conejos Jr.

Tiniyak ng opisyal na hindi na bago si Yabes sa kanyang magiging trabaho dahil siya ngayon ang kasalukuyang ambassador to Islamabad, Pakistan.

Si Yabes ay nagsilbi rin bilang Philippine Consul General to China, Hong Kong, Shanghai at Singapore at naging deputy chief of mission ng Philippine Embassy sa Tokyo, Japan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply