Ambulansya sinalpok ng pick-up: Paramedic patay, 6 sugatan

NASAWI ang paramedic na sakay ng ambulansiya habang sugatan naman ang anim na katao kabilang ang isang pasyente at doktor na Hong Kong national makaraang mabangga nang isang Toyota pick-up na sumalpok sa nakaparadang taxi sa Juan Luna St., MJ Cuenco avenue Cebu City kaninang madaling araw, Abril 10.

Kinilala ang biktima na si Trixie Jackson Abaño, paramedic ng Chong Hua hospital.

Ligtas naman si Noel Anthony Pedrosa drayber ng pick-up na may plakang YHK500 na taga-Mountain Province at sinasabing nakainom umano ng alak.

Nabangga rin nito ang nakaparadang taxi na minamaneho ni Ricardo Torseno na may plakang GXL980 habang nag-aabang ito ng pasahero.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, mabilis ang takbo ng pick-up hanggang sa bumangga ito sa ambulansiya na papunta sana sa Mactan Cebu International Airport Authority (MCIAA) upang ihatid ang pasyente.

Dahil sa pangyayari, ibinalik ang pasyente na si Michael Jasmin sa pagamutan ng Chong Hua Hospital at ginagamot naman ang iba pang mga sugatan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply