Ambush sa Ifugao kinondena ng obispo

MARIING kinondena ng isang obispo ang nangyaring ambush sa Barangay Gumhang, Tinok, Ifugao na ikinamatay ng 11 sundalo at 2 sibilyan kahapon (Abril 25).

Sinabi ni Bontoc-Lagawe Bishop Rodolfo Beltran, na hindi tamang karahasan ang paiiralin ng New People’s Army para lamang sa kanilang panawagan sa gobyerno na pagbabago at kaunlaran.

Anang obispo, ang pagpapairal ng pagkakaisa at kapayapaan ang mas makabubuti para sa lahat at hindi ang karahasan.

Nag-alay naman ng panalangin si Bishop Beltran para sa mga naging biktima ng ambush.

Ikinalungkot ng obispo ang nangyari at aniya tila nakalimutan na ng gobyerno ang Ifugao na isa sa mahihirap na probinsya.

Hanggang ngayon aniya ay wala pa rin silang farm to market roads para mabilis na madala ng mga magsasaka sa mga merkado ang kanilang mga produkto.

Tinukoy ng obispo ang kawalan ng daanan at transportasyon sa Bontoc-Lagawe kung saan kailangan pang maglakad ang mga residente at magsasaka ng 60-kilometro bago makarating sa mga palengke o sa bayan para maibenta ang kanilang mga produkto.

Inihayag ni Beltran na dahil sa mahirap na pamumuhay at kawalan ng transportasyon ay nagiging ugat ito ng kawalan ng peace and order at pagdami ng mga rebelde sa lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply