American mining company mamumuhunan sa Pinas

NAKAHANDANG mamuhunan ng mahigit P5 bilyon ang isang mining company ng Amerika sa Pilipinas para sa minahan sa bansa

Ayon sa Freeport-McMoRan Copper & Gold Inc., handa silang maglaan ng P5 bilyon kung makahahanap ng minahan ang bansa na tutugon sa tinatayang limang milyong ounce ng mina ng ginto para sa planong tampakan Copper-Gold Project.

Kaugnay nito, nag-courtesy call na ang bise-presidente ng kumpanya na si David Potter kay Mines and Geosciences Bureau Dir. Horacio Ramos para ipakita ang kanilang interes sa paglalaan ng investment.

Sa kabila nito, inaasahan naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtaas ng porsyento ng kita sa pagmimina kung maaaprubahan ito ngayong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply