Anak ng politiko, retiradong parak utak ng sindikato ng LPG

IBINULGAR ngayon ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty na anak ng isang bise alkalde at retiradong pulis ang promotor sa malawakang sindikato ng LPG sa Metro Manila at Central Luzon.

Maliban sa pagbabawas sa timbang ng LPG, sangkot din ang mga ito sa pangha-hi-jack sa mga fuel tanker truck sa mga lalawigan ng Bataan, Pampanga, Bulacan at Laguna.

Samantala, hindi muna pinangalanan ni Ty ang sindikato at sinabi niyang hintayin na lamang ang paghahain nila ng warrant of arrest laban sa mga ito.

Nabatid na hawak din ng sindikato ang ilang nagbebenta ng LPG refilling stations sa Metro Manila, Bulacan at Bataan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply