Anak patay sa boga ng sariling tatay

PATAY ang isang lalaki nang barilin ng kanyang sariling ama sa Brgy. Tuburan, Pototan, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Philip Perez, 32, habang ang suspek ay si Pepito Perez, 53.

Sa imbestigasyon, nag-ugat ang krimen sa away ng anak ng biktima at pinsan nito na kanilang kapitbahay.

Nabatid na nang pagsabihan ng biktima ang nakaaway na anak ay kinampihan ito ng suspek hanggang sila naman ang mag-away.

Nang magkainitan ay kumuha ng 12-guage shotgun ang matandang Perez at pinagbabaril ang kanyang anak.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply