Ang bedtime routine ng iyong anak

ANG bedtime routines ay importante sa mga bata.

Regardless sa edad, ang regular na schedule at ang bedtime rituals ay may malaking impact sa ating kakayanan na makatulog ng mahimbing at  makagawa ng mga bagay.

Para sa mga bata, ito ay totoo. Ang pag-establish at pag-maintain ng magandang habits ng pagtulog ay nakakatulong para sa mga bata na makatulog, makatulog ng mahimbing, at magising ng nakapagpahinga at refreshed.

Ito ay maaaring makaiwas sa future sleep problems. Ang magandang sleep habits ay hindi lang nakakatanggal ng stress sa pagtulog, ito rin ay nagiging magandang dahilan upang makapag-bonding kayo ng iyong anak.

Wala namang hard-and-fast rules para sa bedtime, at alam naman natin na, may iba’t ibang individual variation. Ang anak mo ay unique. Kung ang routine mo ay gumagana, marahil ito ay maganda para sa iyo.  May mga approaches naman na gumagana para sa iba, at heto ang mga ilan sa mga nasabing effective techniques.

1. Gawing priority ang pagtulog ng pamilya.

Alamin kung gaano katagal ang kailangang tulog ng bawat member ng pamilya at siguraduhin na makukuha nila ito.

Kausapin ang inyong doctor kung mayroon mang problema sa pagtulog ang iyong anak. Sa ganitong paraan ay mas madali itong masusolusyunan.

2. Matutong alamin kung may problema sa pagtulog ang iyong anak.

Ang signs ng may sleep problem ay ang hirap sa pagtulog, nagigising tuwing gabi, paghihilik at ang pagtanggi na pumunta sa kama, nahihirapan huminga kapag natutulog, at ang maingay na paghinga habang natutulog. Ang problema sa pagtulog ay mapapansin sa kinikilos tuwing umaga. Kung ang iyong anak ay mukhang pagod, inaantok, mainit ang ulo tuwing umaga, ipaalam ito sa inyong doctor.

3. Consistency.

Sa lahat ng aspeto ng parenting, ang consistency at ang gabay ng magulang ay ang pinaka-key ingredients para sa success. Kung wala ito, hindi mo masisiguro na matututo o magbabago ang ugali ng iyong anak.

4. Teamwork.

Kung kayo ay co-parenting, importante na pag-usapan ang inyong strategy bago isagawa at dapat magwork as a team. Kung uumpisahan ninyo ang nighttime program, ipaliwanag ang inyong expectations sa inyong anak kung siya ba ay nasa tamang edad na upang makaintindi.

5. Gumawa ng regular na bedtime at wake time.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng systema sa pagtulog at paggising.

6. Routine, routine, routine.

Gustong gusto ito ng mga bata, at ito ay siguradong effective. Ang routine ay nakakapag-set ng expectations at nakakatulong na ma-train ang behavior, ang nightly bedtime routine ay nakakatulong sa iyong anak na matuto na maantok, gaya na lamang ng pagbabasa ng matatanda para makatulog (kahit na wala tayo sa kama). Ang structure ng bedtime routines ay associated sa kwarto na may magandang pakiramdam at nagbibigay ng sense of security at control. Nakakatanggal din ng stress sa bedtime ang routine at nakakatulong din ito upang magkaroon ng bonding moment ang anak sa parents, lalo na kung mayroong anak ay mas higit pa sa isa.

7. Pananamit at room temperature. Damitan ang iyong anak gaya ng iyong pagdadamit, sa ganitong paraan ay mas mae-excite ang mga bata sa bedtime. Alamin ang tamang temperature, para maging mahimbing ang tulog ng iyong anak. Mas nakakatulog ang mga tao sa mas preskong temperature pero hindi masyadong malamig o mainit.

8. Transitional object.

Ang ibig sabihin ng bedtime ay separasyon, mas mapapadali ito kung may transitional object, gaya ng teddy bear, doll, blanket, o mga bagay na makakapagbigay ng comfort sa kanila. Ang mga ganitong bagay na nakakapagbigay sa kanila ng sense of security at control sa kanilang comfort ay nakakapagbigay ng assurance sa inyong mga anak.

9. Madilim at tahimik.

Siguraduhin na ang kwarto ay madilim at tahimik at ang noise level sa inyong bahay ay mababa. Kung ang iyong anak ay ayaw sa madilim na kwarto, magbukas ng maliit na ilaw o magiwan ng hall light at iwanan na bukas ang pinto ng banyo.

10. One last thing.

Ang mga bata ay laging may one last thing—kisses, yakap, ang pag-inom ng tubig, paggamit ng CR. Sila ay napaka creative. Gawin mo ang lahat ng makakakaya mo para ma-anticipate lahat ng ito bago at magawa lahat ito bago matulog. At ipaalam sa iyong anak na kapag sila ay nasa kama na, ay hindi na sila dapat tumayo pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply