Ang earth hour

LUMIPAS nang tila walang nangyari ang isang oras na earth hour.

Itong earth hour ay isang oras na pagpa-patay ng lahat ng mga ilaw sa ating mga tahanan, opisina, pabrika at iba pa.

Isinagawa ito kamakalawa ng gabi sa ating bansa.

Marami naman ang sumali at naobserba-han ito lalo na sa Metro Manila na kahit saan ay binubuhay ng ilaw.

oOo

Hindi biro-biro ang earth hour. Marami kang isasakripisyo.

Sa parte ng mga kabataan,  mahaba  ang  isang oras na walang laro sa kompyuter o pag-aaral dahil madilim nga ang paligid.

May mga nagpatay nga nang todo sa kanilang mga kuryente sa bahay kaya tumigil ang mga bentilador at erkon, reprijereytor at iba pa.

Pati ang mga beybi nadamay sa dilim.

Sa mga pabrika, nangangahulugan ng pagtigil ng produksyon. Sino naman ang makapananahi o makagagawa ng mga pagkain at iba pa kung madilim ang loob ng mga pabrika?

Sakripisyo rin ito sa mga kapitalista dahil nga sa pagtigil ng produksyon ng kanilang negosyo.

oOo

Pero dahil naman sa earth hour, maraming usok at polusyon sa mundo ang nabawas.

Nabawasan ang pag-andar ng mga planta ng kuryente na gumagamit ng uling at langis na malaking dahilan ng polusyon.

Para sa mga pabrika, nabawasan din ang pag-andar ng kanilang mga makinarya na nagbubuga rin ng polusyon.

Ibig sabihin niyan, sa santambak  na  polusyon ang nawala sa mundo.

Dahil sa paglinis ng kapaligiran, ng hangin, kahit papaano ay nakatulong tayo laban sa climate change na dahilan ngayon ng mga malalakas na bagyo, pagiging tag-ulan ng tag-araw, sobrang tagtuyot at iba pa na sobrang perwisyo at pawang nakamamatay.

Tenk yu sa mga nag-earth hour para sa kapakanan ng lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply