Annabelle at Amalia naggirian sa birthday party ni Erap

NAGPANG-ABOT pala sa birthday party ni dating Pangulong Joseph Estrada kagabi ang mortal na magkaaway na sina Annabelle Rama at Amalia Fuentes. Agad daw nagpatutsada ang dating reyna ng local showbiz sa una at sinabing, “Naka-orange ka na naman!”. Matatandaang ito rin ang suot ng mataray na talent manager nang dumaan ito sa burol ng yumaong asawa ni Ms. Amalia na si Joey Stevens.

Hindi naman daw nagpatinag si Bisaya. Handa rin itong kumasa at sumagot nang, “Sa labas tayo mag-usap.”

Eh, hindi raw pumunta ng labas ang biyenan ni Albert Martinez kaya hindi natuloy ang sagupaan. Hehehe!

Sino kaya ang mananalo kung sakaling matuloy ang kanilang pisikal na laban, si Annabelle ba na mas malaki at matangkad kay Ms. Amalia o itong huli na mas mataba sa una? Hahaha!

***

Pinoy sa buong mundo nasa likod na ni Jessica

NAGBUNGA ang pagpursige at sandamakmak na botong ibinigay sa MexiPinay na si Jessica Sanchez kaya nanatili ito American Idol Season 11 Top 6. Matatandaang laglag na sana ang magaling na singer kung hindi siya iniligtas ng tatlong hurado na nag-akyatan sa entablado para ibigay ang power nila to save Jessica.

Nagtataka naman ang fans kung bakit hindi nila ginawa kay Colton Dixon na nalaglag na sa elimination round ang pagligtas na ginawa nina Randy Jackson, Jennifer Lopez and Steven Tyler kay Ms. Sanchez gayong big favorite din ang huli.

Safe na sina Elise Testone, Hollie Cavanagh, Joshua Ledet, Skylar Laine, Jessica Sanchez at Phillip Phillips

***

Birit ni Adelle itinaas pa ni Paula Bianca

TALAGANG kahanga-hanga ang talento nitong si Paula Bianca. Hindi basta-basta ang power ng kanyang voice. Imagine, mas itinaas pa nito ang awitin ni Adelle na Someone Like You kaya naman ‘di halos magkamayaw sa sobrang paghanga ang mga parokyano ng Zirkoh Morato.

Actually, napadaan lang sina Papa Dhan at ang kanyang pamilya sa Zirkoh para mag-relax sandali pero dahil sa unti-unti na rin sumisikat si Paula kaya nakilala siya’t nahingiang kumanta onstage. Ito ngang sikat na awitin ni Adelle ang unang kinanta ng dalaga at nagulat ang lahat dahil mas mataas pa ang boses ng alaga nina Tito Alfie (Lorenzo) at Tita Daisy (Romualdez) sa original singer. Lalo pa silang napanganga nang walang kahirap-hirap pang pinarinig ni Bianca ang kanyang version ng Sweet Child of Mine ni Jon Bon Jovi.

Para mapanood ang mga eksenang ito mag-log on lang sa YouTube at i-type ang pangalang Paula Bianca Zirkoh.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply