Annabelle nagpiyansa ng P140K sa kasong libel ni Nadia

NAGPIYANSA kahapon (Abril 20) ang talent manager na si Annabelle Rama-Gutierrez ng P140,000 matapos sampahan ng 4 counts ng libel ni Nadia Montenegro.

Kasama ni Rama na nagpiyansa sa Quezon City Regional Trial Court ang kanyang abogado, ilang oras matapos na mai-raffle ang kaso kay Branch 92 Judge Eleuterio Bathan.

Itinakda naman ang pagdinig sa nasabing kaso sa Mayo 21.

Base sa rekommendasyon ni Assistant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon, nakitang may probable cause para ireklamo si Rama sa nasabing kaso.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Montenegro na binaboy ni Rama ang kanyang reputasyon at tinawag siyang isang “child abuser” sa may 11 Twitter posts nito at sa dalawang showbiz talk show at sa isang news program noong nakaraang taon.

Noong 2011, nagsampa ng child abuse si Montenegro laban kay Gutierrez, na siyang tumatayong manager ng dalawang anak na babae ni Montenegro, ngunit nadismis naman agad ang reklamo dahil sa kakulangan ng probable cause.

Maliban sa libel cases, nahaharap din si Gutierrez ng 2 counts ng unjust vexation at grave oral defamation sa Quezon City Metropolitan Trial Court.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply