Apat na araw na puno ng saya at musika

MATAGUMPAY na idinaos ang pagpapakilala ng Radio Republic sa publiko sa pamamagitan ng apat na araw na puno ng saya at musika.

Ito ay ginanap sa 2299 Pasong Tamo Extention noong Abril 23 hanggang alas-7:00 kagabi kasama ang mamamahayag at ilang mang-aawit ng Original Pilipino Music (OPM).

Ang Radio Republic ay isang online media channel na nagbibigay ng magagandang musika na puro certified OPM lamang na mararanasan ng lahat 24 oras, araw-araw, 7 araw sa isang lingo.

Sa pamamagitan ng live stream ng original shows at katatagpuan ito na iba’t ibang uri ng musikang Pinoy para sa Pinoy sa loob at labas man ng bansa.

Inilahad naman ni Si Zach Lucero, Programming Director ng kanilang grupo nang ikalawang gabi pa lamang ng live stream ay naging No. 4 ang pag-sasaere ng www.radiorepublic.ph.

Marami ang natuwang Pinoy saan mang panig ng mundo ang pagkakaroon ng ganitong uri ng komunidad na pawang mga OPM lamang ang maririnig at mapapanood na mga bandang sadyang dapat namang bigyang pansin dahil sa kakaibang galling ng mga musikerong Pinoy.

“The online media is the future,” ani Basti Artadi, vocalist ng rock band na Wolfgang, host ng Rock Bato ganap na ika siyam ng gabi noong Miyerkules, Abril 25 live streaming.  Masaya niyang kinapanayam ang mga panauhin niyang sina Aia De Leon, ng bandang Imago at Jay Contreras ng bandang Kamikazee.

“Ang mga Pinoy ay sadyang gifted sa larangan ng musika saan mang panig ng mundo,” ayon kay Ron B. Titular, Chief Operating Officer ng Radio Republic. “Our cause is clear. We wish to unite Filipinos worldwide through music. If you believe that OPM is worth fighting for, then you have come to the right place,” ani Titular.

Tunay ngang ang magagandang musikang Pinoy ay sadyang hindi mawawala at hindi pahuhuli kahit kanino.

Kaya ngayong sinimulan na ng Radio Republic ang ganitong uri ng komunidad para sa mahihilig sa musika, makiisa sa grupong ito na ang tanging mithiin ay mapanatili ang kay gandang musika para sa mga darating pang henerasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply