Appointment ng PCSO director binatikos

TINULIGSA ni House Deputy Minority Leader Mitos Magsaysay ang pagkakatalaga ng administrasyon sa isang direktor ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na may nakabimbing kaso ng katiwalian.

Ani Magsaysay, ang pagtatalaga ni Pangulong Aquino kay Atty. Aleta L. Tolentino bilang director ng PCSO ay pagsalungat sa kanyang naunang pahayag na tanging ang mga opisyal na may integridad at mataas na moral lamang ang dapat na mailuklok sa kanyang gobyerno.

Tinukoy ni Magsaysay na si Tolentino ay nahaharap sa kasong graft dahil sa mga kasong estafa na isinampa sa kanya ng board ng Pamana Goldencare Foundation Inc.

Panawagan ngayon ni Magsaysay na aksyunan ni Pangulong Aquino ang isyu dahil patuloy aniyang pagdududahan ng publiko ang kanyang sinseridad na maitaas ang moral ng gobyerno.

Banggit pa ng kongresista ang mga katagang binitiwan ni Pangulong Aquino sa kanyang inaugural speech na nagsasabing “government appointment will be limited to persons of known probity, integrity and high moral standards”.

Si Tolentino ay nasangkot sa estafa habang director ng Pamana na napatunayang “wilfully, unlawfully and feloniously misappropriate” contributions of its workers to the Social Security System from January, 1998 to 1999.

Ang graft case ay pormal na inihain  sa Office of Ombudsman ni Atty. Oliver Lozano na nagpakita ng mga dokumento na may kasong estafa si Tolentino na inihain sa mga korte ng Laguna at Makati City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply