Ara gusto nang i-subpoena ang kapatid; Cristine nagtatago

HINDI umano magpapadala sa mga pakiusap si Ara Mina na tantanan na nito ang kanyang kapatid. Patawarin na. Magkapatid naman daw sila. Gustong-gusto raw talaga nitong mabigyan ng leksyon si Cristine (Reyes). At saka raw magpapatawad ang una kung gumalaw na ang kaso. Ni Hindi pa nga raw napadadalhan ng subpoena ang huli. Kaya masyado pa umanong maaga para lumambot ang puso nito.

At saan naman daw hahagilapin si Cristine para i-serve ang subpoena? Mukhang dinadaan daw nito sa pagbabakasyon para makaiwas sa nasabing kompromiso.

Ilan sa malalapit na movie scribes kay Menang ang nagsabing itong magiging sagot ng Kapamilya star sa kanyang counter affidavit ang magiging basehan ni Mina kung patatawarin ba n’ya ang kanyang half-sister o itutuloy-tuloy ang Libel at Grave Coercion cases na isinampa n’ya.

So, kailangan pagbutihin ng ex ni Rayver Cruz ang ang pagsagot sa mga paratang sa kanya ng kanyang ate para masaling niya ang soft part ng puso ni ate.

Anyway, marami na ang nagsasalita para idepensa at pagbatiin ang magkapatid.
Kamakailan nga ay lumitaw ang isa sa kanilang sister at nakiusap na ‘wag nang palakihin ang isyu. Nakapagtataka namang bakit hindi ang kanilang nanay ang magsalita para matapos na ito?

***

Dikskriminasyon sa ‘third sex’ hihimayin sa ‘Bottomline’

MULING naging mainit na usapin ang isyu ng ‘third sex’ kamakailan dahil sa iba’t ibang reaksyon ng publiko sa opisyal na pagtanggap sa mga transgender bilang kandidata sa Miss Universe beauty pageant.

Sa “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado (Abril 28), bibigyang linaw ng pinakaunang congressional nominee ng Ladlad Party-list na si Bemz Benedito ang ilang usaping panlipunan kaugnay ng mga bakla, lesbiyana, bisexual at transgender.

Ano ang pinakamahirap na pinagdaraanan ng mga taong kabilang sa ‘third sex’ dito sa Pilipinas? Makatarungan nga bang payagang makisali ang mga transgender sa beauty pageants tulad ng Miss Universe? Sa darating na eleksyon, magkakaroon na ba ng sariling boses ang “Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender” (LGBT) community sa Pilipinas?

Makialam sa mga isyung panlipunan at huwag palampasin ang ‘Ani ng Dangal 2012’ awardee na “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply